May nakaaway ang driver ng jeep na sinakyan ko kanina. Hayy.. Ang init na nga ng panahon, ang init pa ng ulo ng mga tao.
Driver din ng isang jeep ang nakaaway niya. Muntikan kasi silang nagbanggaan, kaya ayun nagkagalitan. Mula sa Quezon City Hall hanggang Cubao ay nagpapaunahan at nagpapausukan ang dalawang jeep. Nagmumurahan pa.
![]()
Kawawa naman kaming mga pasahero. Nung malapit na sa huling babaan, baba agad ako dahil narinig ko ang usapan ng dalawang driver na magtutuos pa daw sila pagkababa ng lahat ng pasahero.. Hayy naku. Ano na kaya nangyari sa kanila ngayon, sana naman bati na sila. =)
Noong Lunes, ay naging tester ako. Tinest ko ang mga nagawa kong functionalities sa mga modules ng Maintenance na natapos ko- ang Chart of Accounts, Bank Info-Bank, Supplier-Trade, Supplier-Non Trade, Customer, Inventory-Product at Salesman. Ang mga functionalities na tinest ko ay ang viewing of records na naka-table; viewing, editing, saving, adding at deleting of record fields; searching of records at look-up.
Impormal lang s’ya na testing, dahil nilagay ko lang sa Excel kung okay o hindi ang functionality. Mabilis lang natapos ang testing pero inabot ako hanggang hapon dahil may mga nakita pa akong mga bugs at kailangan ko pa silang ayusin.
Mula Martes hanggang Miyerkules (kahapon) ay ginawa ko naman ang dalawa pang modules, ang Check on Hands at EWT. Nagkaroon pa ako ng problema dahil mali ang mga data ng dalawang tables sa database. Yun pala, namali lang ako ng pag-import ko ng CSV file, hehe. Miyerkules ng hapon ay natapos ko din ang dalawang modules at gaya ng lagi kong ginagawa, ay pinapakita ko ito kay Ms. Lovely.
Bukas pala ay huling araw ko na sa OJT. =)